Now Reading
VIBEANT MUSIC ARTIST SPOTLIGHT: Plus One

VIBEANT MUSIC ARTIST SPOTLIGHT: Plus One

Plus One is one of the hottest FilCan musician releasing great Filipino music in Canada. Based in Estevan, Saskatchewan, he recently dropped an EP album titled “TUNAY” composed of songs Tunay, Nakikinig ka ba?, Tuloy, Bawal na Pag-ibig, Proseso, Takot, Cooldown, Sino Ba, Kultura and Miss ko na sa streets which are all about his experiences in life. I had a chance to sit down with him on an all Tagalog interview. Here’s how it went:

Sino si Plus One? Pwede mo ba kami kwentuhan tungkol sayo, Saan ka nang galing at paano ka nagsimula gumawa ng musika na ginagawa mo ngayon?

Plus One simpleng tao, simpleng taga pakinig, taga suporta, at taga subaybay sa eksena at kultura na nagmula sa 043 Batangas. Nagsimula ako ma-inlove sa rap nung kabataan ko pa dahil sa impluwensya ng kapatid ko at buhat nung madinig ko yung “Kaibigan” ni Mike Kosa, yung mga kanta ni Smugglaz, yung Buhay Ng Gangsta nina OG Sacred at iba pa.

Nahilig nako nun at nagsimula na sumulat ngunit di sapat ang kaalaman pero tinuloy ko pa rin hanggang sa nakilala ko sina Pektuz at 1h sa Abu Dhabi at sila ang naging susi para mairecord ko ung mga naipon kong sinulat sa papel at napabilang ako sa grupo ni Pektuz na Dream Music. Kung di dahil kay Pektuz malamang sa hanggang ngayon eh nangangapa pa dn ako sa dilim. Kung tutuusin naman baguhan pa din ako sa larangan, madami pang gustong aralin at malaman.

Tuloy tuloy lang ako kung anung inumpisahan di ko man maabot man ang tugatog na maraming nag aasam masaya na ako dahil madami akong nakilala naging kaibigan kabarkada ng dahil sa pinasok kong genre ng musika. Ngayon nasa hanay ako ng Grupong Dream Music at The Unit.

Kapag nagsusulat ka ng kanta, Nang gagaling ba ito sa mga iyong karanasan o meron kang tema na sinusundan? Ano mas madali sayo?

Halos lahat ng ginagawa kong kanta ay nagmula sa aking karanasan. Kasalukuyan mas madali kasing isulat pag nanggaling sa ‘yong mismong pag katao. Puso at isip ko ang aking sinusundan sa bawat pag gawa ko ng kanta.

Kwentuhan mo naman kami kung paano mo nabuo ang Tunay Album, ano ang mga inspirasyon mo sa pagsulat ng mga kanta dito?

Tunay album nabuo ko siya dahil na rin sa aking self doubt. Kung kaya ko bang gumawa pa ng kanta na mas hihigit pa sa isa, ng isang bagsakan, at dahil na rin sa mga nakilala ko na peke ang suporta at para na rin mailabas ang saloobin ko dahil sa nakakapagod na sistema ng buhay at pilit kong dinala ang negatibong enerhiya na tumatakbo sakin patungo sa positibong enerhiya.

Ang inspirasyon ko, unang una ay ang panginoon, pangalwa ang mga magulang pamilya, at syempre, ang aking asawa at para saking anak. At lalo na sa mga hindi naniniwala sakin. Sa mga tumatawa sa aking obra. Kaya yung title niya ay “TUNAY” album ay dahil tunay lahat ng nakasaad diyan.

Walang halong pagmamalaki at kasinungalingan TUNAY lang. Yan ung mga dahilan kung bakit ko nabuo ung Tunay Album. Ilang buwan din akong nag puyat para sa album na to para sa lahat ng bibili ng album ko mabubusog sa lahat ng positibong enerhiyang inihain ko.

Kwentuhan mo naman kami tungkol sa pilosopiya ng mga kanta na gingawa mo.

Simple lang ang nais kong iparating na mensahe sa mga kanta ko, gusto kong ikalat ang positibong enerhiya na nilalaman ng bawat kanta ko na ginagawa.

See Also

Halos lahat ng kanta ko kasi motivational song at halos lahat ay nangyare sa buhay ko.

Ano ang pangrap mo na maging karera ng musika ni Plus One?

Syempre napaka hipokrito ko naman pag sinabi kong hindi ko pangarap na maging popular sa mundong ibabaw, pero kung hindi naman ay ayos lang din dahil nandto na ako sa point na may mga ilang tao na nakasuporta at nakikinig ng aking likha.

Pangarap marami pa, hangga’t kaya pang sumulat dahil kada labas ko ng kanta para sakin umpisa pa lang.

Saan ka namin makikita sa internet?

What's Your Reaction?
Excited
2
Happy
3
In Love
0
Not Sure
0
Silly
0
Scroll To Top